Wednesday, November 25, 2009

Bandila

Tatlong bituin, isang araw
Bubuhayin ng pula't bughaw
Yaring sinag ng kapayapaan
Soberanyang binabantayan

Kapuluang 'di bansot sa kayamanan
Pilit pinapasok, sinisira ng gahaman
Pamunuang kakampi ng sambayanan?
Hindi makatwiran, 'di tayo pinaglalaban

Koro:

Kailan, kailan ko nga ba?
Masisilayang Pilipinas ay lumaya na,
Demokrasya, taghoy, paninindigan
'Di sinunog sa karalitaan

Kailan, kailan ko nga ba?
Masisilayang Pilipinas ay umalpas na,
Sa kamay ng imperyalista
Kung saan si Juan ay di si Uncle Sam

O, bandila ng Pilipinas
'Di alipin sa kampay ng Kanluran
Estado, soberanya't mamamayan
Magkaisa para sa pagkakakilanlan

Dugtungan:

Ito na ang ating panahon --
Kumilos ang bawat Pilipino
Yaring dangal at bawat silakbo
Sanib lakas ang sanglaksang sulo!


Kailan, kailan ko nga ba?
Masisilayang Pilipinas ay MALAYA NA
Demokrasya, taghoy, paninindigan
'Di sinunog sa karalitaan


Kailan, kailan ko nga ba?
Masisilayang Pilipinas ay umalpas na,
Sa kamay ng imperyalista
Kung saan si Juan ay di si Uncle Sam

O, bandila ng Pilipinas
'Di alipin sa kampay ng Kanluran
Estado, soberanya't mamamayan
Magkaisa para sa pagkakakilanlan


________________________________________________
Komposisyon ni Yfur Porsche Fernandez
Kwerdas at armonya ni Ma. Lina Eguico

Thursday, November 19, 2009

Recidivist or Just Out of Options:

The Filipino Oligarchy, the People and the 2010 Election

In a supposed democratic country like the Philippines, it is traditionally held that the fate of aspiring leaders to occupy public offices depends upon voter’s significant decisions, but our history tells us the disappointing reveal –- various administrations were once celebrated, were then installed and were later criticized and abhorred, thus a sort of failure sentiment for the electorate. Amidst the long familiarity of our country practicing democratic forms like election, the faculty of political maturity remains in the gray area, while the assumption of deliberating honest and well-processed election is still a make believe.

Today’s Macapagal – Arroyo administration which, “as it claims,” is elected by the public, cannot deny citizens’ endless call for its upheaval, however, the political survival of this governance has been really highly irrevocable taking the unsuccessful coup attempts and numerous efforts to overthrow the government. In this context, the upcoming 2010 national election is now taken as the ultimate lifesaver especially in this present political system beset with an awful performance and a never-ending betrayal to the public. The electorate rages for an immediate change of government, alongside is the common failure of the populace to vigilantly examine the background and the roots of political aspirants – as to either they will just carry the torch of their familial interests, or sincerely practice the essence of what we call tunay na paglilingkod-bayan or genuine service to the people. (CONTINUE READING: full text here)

*Youth Speaks: Professor R. G. Simbulan's http://yonip.com/

Saturday, November 14, 2009

Palitan sa Facebook*

Mula sa Facebook status ni Propesor Danilo Arao, Nobyembre 9, 2009:

"Danilo Arao analyzes in his Asian Correspondent weekly column how "public information" is being used to serve the interest of the Philippine government and recommends that a REAL public information system be included in the platform of government of presidential aspirants. Comments most welcome. Thanks!"



Yfur Porsche P. Fernandez:
"Sir, nangangahulugan po ba ito na dapat paigtingin ang alternative journalism?"

Danilo Arao:
Yfur: Tama ka. At sa konteksto ng "public information," kailangan ding baguhin ang oryentasyon ng PIA, NBN at iba pang kaugnay na ahensya para magbigay ng mahahalagang impormasyon sa paraang obhetibo ang pagkakalahad.

Yfur Porsche P. Fernandez:
Nakuha ko po sir. Salamat po. Kasama rin po sa pagbabago ang mga prominenteng istasyong midya - ABS-CBN, GMA. Paano po tayo makasisigurong mababago ang oryentasyon ng mga ito sa konteksto ng "public information" kung ang mga kompanyang ito mismo ay pag-aari ng mga burukrata at ng uring naghahangad na manatili sa kanila ang kapangyarihan? Salamat po nang marami!

Danilo Arao:
Yfur: Ang konsepto ng "public information" na tinalakay ko sa artikulo ay nakatutok lang sa mga ahensiya ng gobyerno, hindi sa mga organisasyong pang-midyang pag-aari ng pribadong sektor tulad ng ABS-CBN at GMA. Pero tama kang ang "public information" ay malawak ang saklaw dahil lahat ng organisasyong pang-midya ay nagpapalaganap ng mga ito, bagama't mas ginagamit ang terminong
"PSA" o "public service announcement." Mahirap talagang ibalanse ang interes ng mga may-ari at iba pang gatekeeper sa interes ng publiko, lalo na sa malalaking network na ang pangunahing hangarin ay kumita nang malaki. Ito ang dahilan kung bakit bukod sa pagpapalakas ng alternatibong midya, may malaking tungkulin din ang pamahalaang baguhin ang oryentasyon ng mga katulad ng PIA at NBN dahil makakaya nitong gampanan ang gawain ng paghuhubog ng opinyong pampubliko nang hindi iniisip ang ratings o kita mula sa mga patalastas.

Posible bang mangyari ito sa kasalukuyang administrasyon o kasalukuyang kaayusan? Iyan ang malaking tanong, kaya mainam na maging isa sa mga pangunahing isyu ito sa darating na eleksiyon.

Yfur Porsche P. Fernandez:
Maraming salamat po sir! Hinihingi ko rin po ang inyong pahintulot na maibhagi ko po ang inyong mga kasagutan sa aking mga kapwa mag-aaral sa pamamagitan po ng aking blog. Maraming salamat po.


Danilo Arao:
Yfur: Sige, puwede mong ilagay sa blog mo ang ating palitan dito sa FB. Salamat.

_____________________
*Using the "new media" to study the dynamics of Philippine media.
**Silipin ang kaugnay na link: "New Media" to Study Media

Thursday, November 12, 2009

"New Media" to Study Media

Social utility. Connecting people.
Sharing with the people in your life.
Facebook. New Media.


Hindi iba sa iba pang social networking websites ang catchphrases na ipinalalaganap ng Facebook sa kasalukuyan. Susulpot, papatok, sisikat, lalaganap, kasasawaan, malalaos, lilipas at muling may susulpot. Isang penomenong nakita na natin "from Friendster to Facebook shift."

Anuman ang maging gamit ng mga
site na ito sa bawat isa -- mapatambakan ng litrato dahil sa walang limitasyong kapasidad nito, blogging space, video montage, games, "boxes" at iba, hindi dapat sayangin lang ng ibang may akses dito ang pagkakataon upang umugnay sa mga tao o elementong makapagbibigay sa atin ng karununga't kaalaman -- kabilang ang mga eksperto mula sa iba't ibang larangan, mga propesor, propesyunal, alagad ng sining at panitikan, aktibista, manunulat at mga mamamahayag. Sa paraang ito, mamaksimisa natin ang ating kakayanan bilang mga estudyante at bilang kabilang sa uring may akses sa world wide web. Gamitin ito upang mapalalim ang kaalaman at maituwid ang mga di-makatwirang konsepto kasama ang mga garbage entity o discards na nagkalat sa internet. Maging matalas at makiaral kina Axel Pinpin, Prop. Danilo Arao, Teddy Casino, Dr. Jaime Galvez Tan, Ellen Tordesillas, PCIJ, Bulatlat at iba pang bukas na gawing instrumento ang kani-kanilang networking sites upang magbigay-alam at makapangmulat! Maaari silang gamitin bilang mga batis ng impormasyon.

Lubusin ang pagkakataon -- maliban sa panahong inuukol lang sa pagbabad sa
games, pagsagot ng mga quiz, pag-tag ng litrato, pag-upload ng videos, pagpapalitan ng disengaging comments at iba pa; KAYSA magpabulag lang sa iskema ng new media at ng kaakibat nitong liberalismo, pagkasalaula sa pangkultural na pagkakakilanlan at ang pagbago nito sa perspesyon ng tao sa iba't ibang antas (moral, etikal, atbp. -- malawakan man o hindi).

Gawing instrumento ang
new media sa pagpapakalat ng iba't ibang porma ng propagandang makatutulong upang mapatalas ang pampolitikang edukasyon -- (1) pagtatampok ng videos na may alternative concepts, (2) pagpapalitan ng kuro-kuro o komentaryo sa isang panlipunang isyu (dahil ito na rin ay isang public space marami ang maaring mamulat,matuto at maimpluwensyahan ng matalas na bahagian ng opinyon) (3) pagsusulat ng mga artikulong makapagbibigay-alam at makapanghihikayat sa layunin at iba pa.

Hindi masasayang ang mga palasak na
catchphrase ng new media -- "information order," "information revolution," "transnational journalism" at ibang mapanlinlang na konsepto kung babaligtarin natin ang sitwasyon, kung saan gagamitin ang "free social networking" scheme ng new media para sa bentahe ng mga gumagamit nito. Mas gawing kawili-wili at makabuluhan ang pag-aangkop at paggamit sa libreng daluyang ibinibigay ng Internet kasabay ang tripleng ingat sa mga kaisipan, ideya at ideolohiyang nauna nang ginamit ng mga nagsasamantala sa internet domain upang isulong ang "makasariling interes" -- mapapulitiko, kompanya o ng mismong "dotcom" na pinupuntahan mo. Ito ay sa kadahilanang hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin malinaw kung hanggang saan ang hangganan, ang kalayaan, dimensyon, tunguhin, prinsipyong etikal at kung paano kokontrolin ang pag-iral ng new media at ang implikasyon nito sa lipunan. Dito, tiyak na susubukin ang ating pagiging mapanuri.





Tuesday, November 10, 2009

Public Information as Pro-government Propaganda

by Professor Danilo A. Arao

"How is public information done by the Philippine government?
Thanks to government officials who think that the only information worth sharing to the people is the one favorable to them, the concept of public information has become more of an aberration."


Public information is supposed to be easily understandable. In the Philippines, however, the government has made "public information" synonymous to "pro-government propaganda."

Technically, public information, as the term suggests, refers to important information to the public. It should be free from any political color and could therefore come from any source. The importance of information is assessed according to its significance to public lives. (read the full story here).

________________

Sa mga determinadong mamamahayag nang naganap ang Manila Peninsula Siege, narito muli ang isang orihinal na komposisyon: Teargas and Handcuffs by Yfur Fernandez

Saturday, November 07, 2009

SONG HECKLING: The "Not Alone" Themes

YOU'LL NEVER WALK ALONE
Elvis Presley


When you walk through the storm, hold your head up high, and don't be afraid of the dark. At the end of the storm is a golden sky and the sweet silver song of a lark. Walk on through the wind, walk on through the rain, though your dreams be tossed and blown. Walk on, walk on with hope in your heart...you'll never walk alone.

YOU ARE NOT ALONE
Michael Jackson


You are not alone, for I am here with you
Though you're far away, I am here to stay
You are not alone, for I am here with you
Though we're far apart, you're always in my heart
'Coz you are not alone.

HINDI KA NAG-IISA
Ogie Alcasid | Regine Velasquez


Sasamahan ka namin
Kahit paligid ay madilim
Iilawan ang daan tungo sa magandang kinabukasan
Ika’y mamuno, kami ay susunod
Pagkakaisa’y ating itaguyod

Ang Pilipinas ay naghihintay

Handa kaming kumilos, handang umalalay
Hindi ka nag-iisa
Sa paggising ng bayan
Kami ay kasama, hindi ka mag-iisa

Isasapuso ang dangal ng ating bayan

Sa tulong at biyaya ng Maykapal
Magkakapit bisig tayo
Ituloy natin laban ni Ninoy at Cory
Nang bawat mamamayan

Pagmamahal natin sa bayan

‘Wag na nating itago, ‘di tayo susuko
Hindi ka nag-iisa
Sa paggising ng bayan
Kami ay kasama,hindi ka mag-iisa

Isasapuso ang dangal ng ating bayan
Sa tulong at biyaya ng Maykapal

Magkakapit bisig tayo
Sama-sama bawat Pilipino
Mula noon, ngayon at kailan pa man

Hindi ka nag iisa


____________________
Lahat naman ay nagsabing hindi tayo mag-iisa.

"The Filipino people seemed to be satisfied to the enclosing political environment where we are declared 'the most powerful' during elections and gravely 'powerless' soon after. The powerless majority is taken only as entity to prove the legitimacy while being struck by the gambit of the oligarchy."

An excerpt from Recidivist or Just Out of Options:
The Oligarchy, the People and the 2010 Elections
Yfur Porsche Fernandez

Tuesday, November 03, 2009

Padala

Magmumula sa internet ang reference number
ang amount, currency at kung sino ang remitter,
Sa tatlong letrang initials ng isang bangko sa Adriatico --
dito, ang transaksyon ay mabusising ipoproseso;

Pipila ka sa general transaction
Hindi sa depository and withdrawal section
"Fill out this form and wait for the authorization,
It will take 30 minutes or more,
pasensya na po Sir."

Bitbit ang pasaporte o kaya nama'y two valid IDs
Sa pagkuha mo nito, 'wag kang umasang mabilis!
Kamalas-malasan pa kung chika pa nang chika
ang magkatabing teller sa magkabilang linya!

Sa wakas, makukuha mo na rin ang inaasam na padala
Pambayad sa bill, sa utang at matrikula --
Pagdampi ng ilang papel sa iyong mga kamay
bibilang lang ng oras at sa iba na ibibigay;

Ipagdarasal mong sa paglabas mo ng bangko
walang masang loob ang nag-aabang sa'yo,
Minabuting magsuot ng 'di kagaraang damit
para 'di halata sa mga mata ng "gumagamit;"

Remittance, sinasabing backbone of the economy
Patitikasin ang beneficiary sa sandali ng ligalig
Dugo at pawis, sa banyaga -- nagpaalipin,
Padala -- hindi sa kawalan lang ang dapat mong sapitin!


Sunday, November 01, 2009

Undas

Mula sa random video monitoring sa youtube.com hinggil sa taunang pag-alala sa araw ng mga sumakabilang-buhay, ito ang isang amateur video/documentary (Kularag Productions) na bahagyang nagpapakita ng sistema at kabuhayan sa loob ng Manila South Cemetery sa Lungsod ng Makati.

Linis-Nitso. Korapsyon. Kahirapan.