Friday, October 30, 2009

Shiver in my Spine

The last curtain call
This is the last curtain call
Begging me to show off
And everything falls

I'm gonna feel the warmth and tender
The glare of light, the sway like thunder
Hold the steel of eccentricity
And humbly raise your immortality

'Cause you're the shiver in my spine
The rants and raves of thousand times
'Cause you're the shiver in my spine
That reigns above all these loving mercy vines

Hear the chime of wanderer's psyche
Crash me with those 1950 guns
The icy chill behind my back
The pressure, disgrace, the charm of struck

The thrill of your mem'ries collide
As I turn the notch to set the stage on fire
The summer love's once disregard --
Brothers, beat them hard!

Trembling voices before you foresee
Has turned you melting in freeze
You want to escape the inevitable
'Til you see your self, shiver in gray!


Wednesday, October 28, 2009

Ang Sabi ng Bubuwit...


Apat na hakbang pasulong
Apat na hakbang pabalik,
Lilingon sa kana't kaliwa
Tatayo ako, sapagkat 'di pwedeng yumupyop.

Kailangan saulo ko ang pasikot-sikot
Ang lahat ng daanan at kanto kung saan lulusot,
Kailangang kabisado ko ang pinakamadaling ruta
kung paano't saan dapat si
Miss ay ituon.

Mapapahiya ako kung hindi ko alam
Ang sagot sa tanong ng magandang dilag,
Bawas
pogi points kahit anong pustura ko,
Macho pa man din ang dating na kailangan ko.

Lilipat ako makalipas ang tatlong buwan
Sasanayin ako sa buong liligiran,
Sala sa init, sala sa lamig
Rotation sana'y matakasan!
Kakabasiduhin mga pangalan,
Ililipat din naman.

Wala akong magagawa
Dahil utos ni Mr. Sy
Kailangan kong mabuhay,
Bumuhay, magpaaral at magtagumpay.

Sa kaunting halaga,
Aalalahanin ko'ng alalahanin nila,
Sasagutin mga tanong
Walang sinabi ang
interrogation.

Umaasa akong darating ang panahon
Itong asul na uniporme at tsapang ginto,
Kasama ang batuta at pares ng
bota
Itatabi't ipaplastik na lamang sa isang sisidlan --
Sapagkat may napatunayan na't may tiyak nang kinalalagyan.

Sana nga'y matupad ang pangarap kong ito,

Gayundin sa iba pang nagbabanat ng buto
Sa kapitalismo -- manggagawa'y walang ligtas
Tila talunan sa lason ng
"invisible" na ahas.

Ground floor, second floor.
Turn left, turn right.
We've got it all for you!


Umaasa,
Sekyu sa MOA.

___________
Tingnan dito ang iba pang sinabi niya:

- Ang Sabi ng Bubuwit noong September 03, 2008.

- Ang Sabi ng Bubuwit noong September 24, 2008.

Sunday, October 25, 2009

Isip ng Bata


Hahawiin ko ang suliraning binabalikat mo't

itutuon muna ang paningin sa rikit ng natataw ko
'Tsaka ko na iisipin kung nasaang kabanata na ako,
ang importante'y maligaya ako sa ngayon.


Mumulat ko ang aking mga mata,
hanggang doon muna -- sapagkat
hindi pa ako mulat sa katotohanang 'wari mo.

Mangangapa.
Madadapa.
Madadala.




Friday, October 23, 2009

Himig ng Musika

Ang tunog ng musika ay relatibo sa tagapakinig nito. Malungkot sa'yo, masaya para sa 'kin. Walang dating sa yaong pandinig. Kiliti para sa iba.
Boring sa'yo, isang
musika para sa 'kin.

Ang magiging tunog ng awit ay nagbabago relatibo sa aawit nito. Sa kahit anong paraan niya nais ipahatid ang mensahe ng awit, mananatiling gising sa kanyang diwa ang
orihinal na mensahe ng liriko.

Mensahe. Simbolo. Pahiwatig.

Ang bawat awit ay isang
buhay na kalatas.
Himig na hinugot mula sa emosyon,
senyales mula sa umudyok
habilin para sa patutunguhan
at punyal na tatagos.
Tatagos.
At patuloy na
mabubuhay...

Sa pagtatambal ng tiklada't areglo sa nginig ng boses,
iniuukol mo ang isang likas na penomenon ng tao --
sapagkat pinag-iibayo mong iangkop ang boses mo
ayon sa hinihinging
damdamin, tono at ritmo ng musika.
Maisakatuparan mo man o hindi.

Malungkot. Masaya. Madaloy.
Mabilis. Mabagal. Mapwersa.
Mababa. Mataas. Bago. Luma.
Gasgas. Palasak. MUSIKA.

Saan nanggagaling ang emosyong inilalabas mo
sa pamamagitan ng tinig? SAAN?
Anong pinanggagalingan ng kagustuhan mong awitin
ang isang kanta, anupaman ang tipo nito?
Paano mo nagagawang maging malungkot ang iyong tinig?
Paano mo nagagawang maging buhay ang iyong tinig?

Bakit ka rumurupok sa alaalang bitbit ng lirikong nilapatan ng himig?
Sadya bang may lumulungkot
sa isang masayang awitin?
O kaya naman, sumasaya sa isang malungkot na tugtugin?

Paano mo iniuugnay ang emosyon sa tuwing naririnig mo ang isang kanta?
Dahil sa kadulu-duluhan, sa
karanasan, sa ilang yugto --
iba-iba ang
pagpapahalaga,
iba-ibang
pagturin,
iba-ibang
paghamak.

Ngayon alam ko na kung bakit,
ang himig ng ating musika ay maaring nagkakapareho't nagkakaiba.


Monday, October 19, 2009

Petitio Principii: Kahon

Minsan ko lang iisipin na nakawala na ako sa kahong ito, pero ito na naman ang isang mas malaking kahon -- kinukulong na naman ako maghapon, magdamag. Hindi ako magtatakang may mas malaking kahon pang naghihintay lumamon sa akin kapag nakawala ulit ako rito.

Nakawala ulit ako rito. Patuloy akong ikinakahon. Patuloy din naman akong lumalaban. Hindi mo pwedeng sabihin na wala akong ginagawa o nagpapakahon kasi ako dahil kung gayon, hindi na sana patuloy na lumalaki ang kahong kinapapalooban ko ngayon. E di sana, hindi ko nabatid na may kahong naghihintay sa akin 'pag nabutas ko ulit ang kahong ito.

Nabubutas ang kahon. Minsan hindi mo rin maiwasang maisip kung ano ang pagkakaiba ng karton sa kahon. Halos wala namang pinagkaiba. Tinatakan lang ng National Bookstore na "carton" 'yung bagay na iyon, karton na bigla ang tawag ng lahat. Mas mura ang kahon kaysa karton. "Limampiso" lang sa tindahan o sari-sari store. P16.75 sa school supplies store. Alin ang mas madaling lumambot 'pag nabasa -- karton o kahon?

Karton at kahon. Nakakita ako sa Papemelroti ng kahon. Hindi na kwadrado. Iba-iba na ang hugis -- may bilog, may parihaba, may tatsulok, may pang-long neck, may pang-alahas, kung anu-ano. Kahit ano pang gawing disenyo niyan, kahon pa rin 'yan. Parang ikaw, kahit anong ayos mo... Mas mahal ang kahong bilog na may kaunting ribbon kaysa sa kanto-kantong kahon.

Sa may kanto, narinig ko ang nag-uusap na mag-ama, "Anak, sa sobrang dami ng kanto sa mukha mo, kulang na lang ay tambay!" Pero, hindi nga, luminga pa akong konti sa kalye, nakita ko ang isang pamilyang binubuo ng limang miyembro -- si Tatay, si Nanay, si Ate, si Kuya at si Bunso -- sa bangketa, nakahiga at pinagkakasya ang mga sarili sa ilang piraso ng mga pinatag at piniping kahon.

Ang kahon, kahit anong hugis, kahit anong gamit -- mananatiling kahon.


____________
*PETITIO PRINCIPII: circular reasoning, circular argument
(basahin dito)

Sunday, October 18, 2009

SPEECHLESS

· THE POLITICAL PSYCHOLOGY OF IMELDA MARCOS.

“I have a different way of thinking. I think synergistically.

I’m not linear in thinking. I’m not very logical.

My life is a fairytale. Daig ko pa si Cinderella!”

A first person perspective speech on the political psychology of Imelda Marcos addressed by Leanne Angeles. (read more)


· LP: Ang Partido Liberal ng Pilipinas. Kung ang tunay na hangarin ay lingkod bayan, nararapat na ang pag-aalyansa ay pinagbibigkis ng ideyolohiya at hindi dapat personality politics ang manaig na iskema. Hindi usapin kung tama ba o hindi ang kanilang lunsaran upang ibandila ang panlipunang pagbabago -- mga pariralang kumikiliti sa pandinig ng mga “bagong salta” sa daigdig ng eleksyong Pilipino, katulad nating mga kabataan…[Maging mamamayang kritiko, mapanuri at mapangmatyag...(read more)


· THE POLITICAL ECONOMY OF PRIVATE LEGAL SERVICES INDUSTRY. Lawyer. Attorney. Abogado. Manananggol. Mahalaga ang pag-iral ng hustisya sa isang ipinapalagay na demokratikong lipunan tulad ng Pilipinas. Ito ang salalayan sa pagkakamit ng pantay at makatwirang pagpapasya sa iba’t ibang antas ng tunggalian ng tao. Isang pagpupugay para sa mga manananggol na inialay ang kanilang propesyon upang kumiling sa tawag ng serbisyo-publiko, isang gawaing walang sapat na katumbas at may mababang benepisyo – katangiang kaiba sa pribadong praktis ng abogasya...(read more)


· SITUATIONER ON PHILIPPINE AIR QUALITY. Maraming talinhaga ang maaring iugnay sa hangin. Singrami ng pagbabagong naranasan nito kasabay ng mabilis na galaw ng moda ng lipunan. Sa paghalaw natin sa tradisyunal konteksto, sinasabing ito ang isa sa pinakanatatanging elemento ng kalikasan – dahil sa katangian nitong nararamdaman lamang ngunit hindi nakikita... (read more)


· RAUL SEGOVIA ON PHILIPPINE MINING: A Consumer Activist Perspective. Cultural, economic and political – the idea of development can clearly be appreciated in these three terms. Combining these three is essential and each needs a separate understanding. Neglecting any of these three is disregarding the Filipino’s will to perform his citizen-critic duty – by this, we emphasize the significance of the four basic freedoms – religion, speech, assembly and from fear... (read more)


· SITUATIONER ON PHILIPPINE FURNITURE INDUSTRY. Pinaririkit ng Molave ang kabuuang entrada ng retablo sa gitna ng bahay --lahat ng ito, manipestasyon ng pagpapahalagang iniuukol ng mga Pinoy sa mga likhang-kahoy. Pansinin, patuloy man ang ebolusyon ng disenyong pambahay, mapa-oriental o Western-based man – hindi pa rin naiwawaksi ang elementong ating kinagisnan; na tambalang maiuugat sa konsepto ng kaginhawaan at praktikalidad ng isang pamilyang Pilipino.

_________
*Kalipunan ng piling talumpating isinulat sa nakalipas na mga taon bilang estudyante ng Pag-aaral Pangkaunlaran.
Buhay. Mapanuri. Makabuluhan.

Monday, October 12, 2009

"Mahal" at "Mura"

“Most transactions in the market improve efficiency

because they make both parties better off –

and don’t harm anyone else.”


STARBUCKS – kape sa halagang isang daang piso.


Kung bibili ka ng kape sa Starbucks, tinutulungan mo ang industriya ng kape at pagkakape. Sa bawat pagbili mo ng kape ay nasasahuran ang libu-libong coffee farmers. Sa bawat pagbili mo ng kape, natutulungan mo ang bawat pamilya ng coffee farmers. Sa bawat pagbili mo ng kape ay ang trabaho at pasahod para sa mga serbidor nito. Sa bawat pagbili mo ng kape ay ang trabaho at pasahod sa manggagawa ng mismong pakete at nagpapakete – ripple effect ang tawag sa kondisyong ito. May apat na saligang rason kung bakit umiiral ang ganitong uri ng interconnectedness o pagkakaugnay-ugnay – bagay na direktang nakaapekto sa pagpepresyo ng mga kompanya sa mga produkto nito.


Una, companies produced products in the most efficient way. Walang dapat masayang at nararapat lamang tiyakin ang kaangkupan ng pwersa ng produksyon batay sa katangian ng produktong nililikha. Samakatuwid, lahat ay dapat na mamaksimisa.


Ikalawa, companies are making the right things. Ang presyo ng produkto ay sumasalamin ng kabuaang kagastusan sa paglikha nito. Ang itinakdang presyo ay siyang maglalahad ng tumbasan para sa prodyuser at mamimili. Sa kaayusang ito, makikita ang isang mamimiling may kakayahan upang ipagpaliban ang isang bagay para sa isang higit na nagustuhan – trade off, ika nga. Sa ganitong paraan, ang presyo o halaga ng produkto sa merkado ay maituturin bilang isang “paraan ng komunikasyon.”


Ikatlo, things are made in right proportions. Ibinebenta ang produkto o inilalako ang serbisyo nang walang labis. Ang presyo ay katumbas ng kagastusan. Walang insentibo upang lumikha nang mas kaunti o lumikha nang mas marami kaysa sa inaasahan.


Ikaapat, things are going to the right people. Ang produkto ay napupunta sa mga mamimilling may kagustuhan at may kakayahan upang bilhin ito batay sa isang itinakdang halagahan.


“In the longer term, a price system will transform a high willingness to pay

for good products or services, just as surely as it will transform

high demand for a thing to another.”


THE VALUE OF PRICE. Ang presyo sa merkado o market prices ay ang suma-tutal ng parehong kagustuhan o preference at priyoridad ng lahat ng konsyumer. Maliban sa tiga-dikta ng salaping ilalabas mo sa iyong pitaka o bulsa, ang presyo bilang isang komponyente ng pamilihan sa anumang ekonomiya ay may dalawang mahalagang papel: una, isang paraan upang mapagdesisyunan kung kanino nga ba maipagkakaloob ang limitadong suplay ng produkto o serbisyo at ikalawa, ang magsilbing pahiwatig o senyales sa pangangailangang lumikha pa ng mas maraming bilang ng produkto relatibo sa karaniwan. Sa kontekstong ito, ipinakita ni undercover economist kung bakit may dalawang pang-uri tayong naiuugnay sa presyo ng isang produkto – “mahal” at “mura.”


________________

Dagli mula sa The Undercover Economist. Tim Harford. Random House Trade Paper Back: New York, USA. 2007. Chapter III: Perfect Markets and the World of Truth.

Saturday, October 10, 2009

Ka Blas and the Labor Code

Paggawa at lakas-paggawa, pangasiwaan at ang pamahalaan – ang tripartite consensus ng mga elementong ito ang nararapat maisaalang-alang sa pagrerebisa ng Kodigo ng Paggawa sa Pilipinas. Maaari itong tanawin bilang isang magarang estratehiya para sa panlipunang katwiran at kaunlaran. Ito ay may pitong prinsipyo ayon kay Ka Blas Ople.


“In the fist year of operation of Labor Code, we have demonstrated that labor justice can be made expeditious without sacrificing due process.”



Inilalahad ng unang prinsipyo na ang relasyon sa paggawa o labor relations ay nararapat maging pala-tugon o responsive at responsable sa konteksto ng pag-unlad.


Ikalawa, ang mga batas paggawa at relasyon sa paggawa sa piling yugto ng pambansang kagipitan o national emergency ang siyang dapat humalili sa tunggalian sa sektor paggawa. Samakatuwid, ang mga strike at lockouts ay magbibigay daan para sa isang makatwirang proseso – ang arbitrasyon o ang aregluhan gamit ang diplomasya.


Ikatlo, ang depektibong hustisya sa sektor paggawa ay hindi nakabubuti sa manggagawa, pinamamasukan (employer) at publiko. Hanggang dalawang taon at dapat nang maihain ang desisyon -- ito na dapat ang pinakamahabang itatagal ng paglilitis sa pinakakomplikadong kaso. Samantala, manpower development and employment bilang mahalagang dimensyon sa mga polisiya sa paggawa -- ito naman ang isinasaad ng ikaapat na prinsipyo. Ito ay umaayon sa paniniwala ni Ferdinand Marcos, “unemployment is the greatest exploiter of labor.”


May pandaigdigang merkadong nakalaan para sa mga kwalipikadong Pinoy, ito ang ikalimang prinsipyo ayon kay Ka Blas. Dagdag nito, “We no longer apologize for the outflow of Filipino labor abroad under such labels as brain drain. We have decided it in such a manner that it will rebound to the national interest.”


Inihahayag ng ikaanim na prinsipyo na ang mga batas paggawa ay nararapat sumusog sa wasto, likas-kaya at epektibong paggamit ng mga rekurso upang maiwasan ang kabiguan sa bahagi ng manggagawa at pinamamasukan. Ito ang principle of enforceability -- adequate resources through adequate organization.


Ang ikahuling prinsipyo ay tumutugon sa pangangailangang magkaroon ng malawakang partisipasyon sa pambansang paggawa ng polisya, partikular sa mga may nakatayang interes na dapat pangalagaan, kabilang ang nabanggit na tripartite structure.


Ang mga prinsipyong ito ang magiging katuwang ng lehislayon para sa matatag at makatwirang lipunan. Ayon kay Ka Blas, “What is unbearable is not poverty but injustice. The revision of the Labor Code will be helping to forge a stronger armor for social justice and national unity that will make our new society invulnerable to its enemies.”



________________

*Dagli ukol sa talumpati ni Blas Ople sa pagbubukas ng National Tripartite Conference on the Labor Code.

LABOR AND SOCIAL POLICY. Rationality in Labor Relations. Blas Ople. pp. 217 -223.