Friday, October 31, 2008

They Say...

  • "Never in the turbulent recent history of the Philippines has any government, including that of Ferdinand Marcos, ever taken into custody members of the media who were on the scene to do their jobs." - Center for Media Freedom and Responsibility (on the Peninsula siege)
  • "The abstract concept of freedom of the press will have to be re-examined. There is therefore a need to show how the concept of freedom of the press has concretely applied to the Philippine situation, given the limitations imposed by foreign control and influence." - Rosalinda Pineda Ofreneo, Journalism author
  • "The press is an institution which inculcates a particular form of consciousness. Consciousness is the highest form of reflection of which only man is capable, it is the manner by which a society in its development explains the world and views itself. It is therefore the summation of ideas, concepts, and theories prevailing in a given society at a definite historical stage." - quoted from the book, The Manipulated Press: A History of Philippine Journalism
  • "Good reportage is telling at as it is but at the same time, telling it new, telling it surprising, telling it significant." - Nick Joaquin, National Artist for Literature*
  • "A dictated press is something to abhor even if the dictators were exclusively Filipinos... Any kind of control of the press is to be fought even if this control were being undertaken in the name of love of country, more so if control itself were being advocated by people who have publicly confessed that they are under the thumb of their publishers...." - Teodoro "Ka Doroy" Valencia, dean of Philippine Journalism
  • "The measure of power is how you elect not to use it, what will make me use of my power to its fullest extent? I have never done that, because the moment you abuse your power, you lose it." - Korina Sanchez, broadcast journalist & chief correspondent of ABS-CBN News and Current Affairs
  • "There are clear rules in the constitution in the limits of press freedom. Clear and present danger. National security. Those are the only limits. Beyond that, press freedom is supreme." - RG Cruz, news correspondent of ABS- CBN, TV journalist

__________________
*from Ms. Lina Eguico's text message

Wednesday, October 29, 2008

Kastilyong Buhangin

  • "Ang pag-apak sa puting buhangin ng Gale ang iisang bagay na nagbibigkis sa mga elementong matutunghayan dito. Sa dami ng taong umaapak, kasabay ng paglubog at pagbakat ng mga paa – naiiba ang karaniwang ayos ng buhanging sahig at nagmimistulang iginuhit na disyerto o ginusot na istilo ng damit ang kabuuang landscape."
  • "Quantitave vs. Qualitative. May mga katutubo kayang nadisloka kapalit ng pagpupunayagi ng turismo sa Puerto Galera, Oriental Mindoro? Kung meron, saan na sila naroroon o saan kaya sila naipangakong ililipat? Nasususugan naman kaya ng kasalukayan nilang tirahan ang kanilang pangangailangan at nakalakhang pamumuhay? Masaya kaya sila?"
  • "National Happiness. Hindi mawawala ang halakhakan ng mga grupo ng barkada at siyempre pa ang PDA (Public Display of Affection) ng mga magsing-irog na karaniwan ay galing sa lungsod -- nagnanais na pansamantalang takasan ang masalimuot na tagpong hatid ng kalunusuran."
  • "Sa lugar na ito, ilang pangako na rin kaya ang naisakatuparan? Ilan ang nabigo?"
  • "Marahil, tama ang liriko, na ang isang pangako ay maihahambing sa isang kastilyong buhangin – guguho sa ihip ng hangin, guguho sa maling alon ng damdamin..."
  • "Bakit kailangang may kalapitan sa tubig ang pagbuo ng kastilyong buhangin? Hindi ba’t upang mapanatili ang pagiging buo ng mga pinung-pinong mga partikulo nito? Kailangan ang bahagya o sapat na tubig sa pagmolde nito – sapat lamang at hindi sobra."
  • "Kung ang pagbuo ng mga kastilyo ay maihahalintulad sa pagbuo ng relasyon, isang imahe lamang ito na may pangangailangan pa rin sa iba't ibang salik na makapagpapatibay sa isang relasyon kahit na ang ilan ay mula sa kasalungat (kaaway, nanunulot, at iba pang obstacles ika nga...)"
  • Sa kaso ng kastliyong buhagin, ang tubig-alat at ang hampas nito ang gumaganap bilang mortal nitong kaaway.

Monday, October 27, 2008

Why Social Consciousness?

Random Views:
  • "People search for single answer to diverse questions, they don't even know how to ask. Worst is, don't even know their meanings. Pinababayaan lang nilang ganon. E, sa ganon e. Ganun talaga. It's like clapping without you knowing, who's the man for those applauses. - mula sa isang konyong estudyante
  • There exists a bandwagon, a peer pull or something that controls you indirectly. This goes to show how men are fooled. And how we let ourselves being fooled.
  • With so many options out there, we are only bound with what our fingers can do, and what our eyes can barely see (from Timothy Go's script)
  • Dr. Edberto Villegas puts it like this, there should be social consciousness to destroy the prevalence of techno freaks who are bombarded with theories only and are saturated within the matrix of what the professor calls "the never never land of Peter Pan", and other agents and/or alike of such (neo-classical economists who attempt to describe and assume the world through figures, models and graphs. According to him, these are but falsehoods since it does not reflect the real picture of the society, isang pakulo ng mga kapitalista, aniya.)
  • The purpose of culture is not to entertain, but rather to develop self and social consciousness.

Friday, October 24, 2008

Gale's Pieces of Political Economy

"Ang kasabikang makatapak sa buhangin ng Puerto Galera sa Oriental Mindoro ay napalitan ng pagbatid sa mga bagay na maaring lantad nga ngunit hindi napapansin."


Commercialization. Marahil, para sa mga urban at tourist people, maliban sa rikit ng isla, ito agad ang makapupukaw ng kanilang interes. Narito ang komersyalisadong hanay ng mga restaurant, souvenir shops, henna, permanent tattoos stalls at marami pang ibang pampasalubong. Hindi na maaawat ang paglago ng mga entertainment exclusives, ihawan, pizza parlor at iba pang lugar aliwan upang pasiglahin ang night life rito.

Subsistence Economy. Sa pag-upo ko sa kalawakang iyon, napansin ko ang isang ilaw mula sa di kalayuan. Bagaman nagdadalawang isip, mas nasuyo akong lumapit sa dalampasigan nang natiyak kong patungo nga sa pampang ang ilaw na iyon. Sa pambihirang pagkakataon, napag-alaman kong ang ilaw na iyon ay mula pala sa isang grupo ng mga mamalakaya na sinubok ang mapangahas na gabi at nagbalak na manghuli ng mga lamang-dagat upang ibenta sa pamayanan. Napansin kong unti-unting kumakapal ang kumpol ng mga tao, hanggang sa ang tanging maririnig ay tawaran sa mga parehong malalaki at maliliit na isda. Maya maya pa’y ubos ang napakyaw na huli. Doon, may natirang limang piraso ng isang klase ng isda. Kinausap ko ang mangingisda at napag-alamang sadya niyang isinantabi ang mga ito para naman sa kanyang may bahay at dalawang anak.

Fish Balls. Tulad ng nabanggit, marami na ang hilera ng pagkakakitaan sa Galera. At, ikinagulat ko nang makita si manong na manininda ng fish balls. Ang mas ikinaganyak kong magtanong ay kung anong malagkit na bagay ang hinuhulma nito gamit ang kutsarita bago iprito sa mantika. “Wala kasing hangong fish balls galing Maynila, kaya sinubukan ko munang gumawa ng sarili kong timpla at bersyon ng fish balls. Nakasisiguro pa ko na gawa talaga ito sa isda.” Nang itinanong ko ang tungkol sa kanyang kita, “Sa totoo lang sa dalawang araw na magkasunod na nagbenta ako nito, mas malakas ang kita ko.”


Pagtatalaba. Isang umaga, dinayo ko ang ang isang bahagi ng isla. Sinadya ko ang bahaging mabato at nakita ang isang grupo ng pamilya. Tatay, nanay at tatlong lalaking anak. Dito, makikita mo kung paano isinasagawa ang pagtatalaba o ang paraan kung paano tinatanggal gamit ng kutsilyo ang mga talaba na nakadikit sa mga batong bahagyang nakalubog kundi man ay nadaratnan ng tubig-alat.


Hagis Barya. Mahuhusay lumangoy ang kabataan rito. Dahil sa malambot ang buhangin ng Galera, isang metro mula sa dalampasigan ay malalim na. Sa aking paghihintay sa bangka, sumampa ang ilang grupo ng kabataan na dahil na rin sa marahil sa tindi ng sikat ng araw ay nangitim. Gamit ang talento sa paglangoy at pagsisid: “Kuya, hagis barya kayo diyan!”. Ang baryang inihagis mo sa may kalalimang bahagi ay pandagdag na sa kabuhayan nila.


Sales Talk. Sa gitna ng init ng araw, napakaraming mga manininda o naglalako ng mga produkto at serbisyo ang masasalubong sa isla. Prominente ang mga nagtitinda ng gawang kamay na anklet (maaring ipagawa ang pangalan), pendants na kabibe at iba pang shells, perlas at mga sea-inspired laces. May nanunuyo rin para sa snorkeling, diving, island hopping, banana boat, t-shirts, pants, shorts, sunglasses, pagsusulapid o pagtitirintas ng buhok (hair braiding) body massage at pati rin ang tickets pabalik ng Batangas Pier (main port pabalik ng Maynila mula sa Gale). Dahil sa pare-pareho ang ititinda, gayon din ay hindi nagkakalayo ang mga presyo, natatawaran pa, nasa pamamaraan na lamang ng panghahamig magkakatalo kung maisasarado ang transaksyon sa isang parokyano.


Fashion Show. Tila isang fashion show ang makikita mo sa Galera, sa pagpustura ng mga magagarang moda ng bathin suits at surfs/surfing shorts. At, siyempre pa, hindi mawawala ang pagkislap o paggiling ng kamera para sa mga Kodakan moments.


Trip na trip. Mas makabubuti kung grupo kayong pupunta rito para makakuha ng diskwento sa tutuluyang resort. Gayon din, mas mainam na magbaon ng pagkain matagal mapanis (i.e. prtio, adobo, atbp.) Bababa ng Buendia, sasakay ng bus na may signage na Calabarzon. Baba ng Batangas Pier at sasakay ng bangka papunta sa mismong isla. Maghanda ng P1,500 – 2,000 para sa swak na trip = room + transportation costs mula Buendia patungong Puerto Galera (with environmental and maintenance fee of P50.00) + mamili kung souvenir items o isang serbisyo. Magdala ng ID kung pasok sa discount rates (Student, Elderly, Differently-abled) upang makatipid. Kung nais maranasan ang , diving, island hopping, banana boat at iba pa, magbaon ng pocket money dahil may kamahalan ang mga ito. Mas makabubuti pa rin kung grupo upang makamenos.



_________________

*Kredito: Larawan mula sa pinoytravelblog, watson.online, backpackingphils at philippinephotgallery

Wednesday, October 22, 2008

Kathang- Isip


Ginawa kong kama ang puting buhangin.

Takip silim at nakahanda nang yakapin ng dilm ang kalangitan. Ibang iba ang obrang nais ipamalas ng lugar na ito. Hindi mailagay sa isang tono ang mararamdaman sa oras na masaksihan kung paano nagpupumiglas ang liwanag sa unti-unting paglamon ng dilim.


Hindi katulad ng nakaugalian at hindi tulad ng karaniwang nakikita sa mga larawan, hindi namin sinubok ang bagsik at kahambugan ng Haring araw. Sadyang naiba ang paglingap sa araw na ito, hanggang sa nakita ko ang aking sarili sa gitna ng buhangin at ng naglalambing na kahamugan ng gabi.


Nakatanaw ako sa walang katapusang dibuho. At ang tanging alam ko na lamang ay ang paghahanap at pagsusumamong kagyat na maisulat ang mga bagay na ito; sapagkat tulad ng takipsilim handa na ring iluwa ng tinta ang bumubugsong diwa na pawang sabik sa bawat panibagong paglaya.


Alam kong matatagpuan ko pa rin ang katulad na tanawin sa ibang lugar, sa iba’t ibang pagkakataon, sa ibang anggulo o sa ibang paraan. At, hangga’t kasama ko sila sa paglalakbay, hindi ako mawawalan ng enerhiya upang magsulat, sumulat o isulat ang mga pirasong tulad nito – sa mga salitang hindi nagpapanggap upang ilarawan ang kaligirang ito; sa mga salitang hindi ambisyoso upang ikahon ang pambihirang likha kung saan nabighani ako.


Sa nalalabing oras ng pananatili sa islang nababalot ng puting buhaghag, nasilayan kong muli ang sabay sabay na pasiklaban ng mga bituin na tila nakaluklok sa isang tiyak na pedestal. Nagmistulang uyayi ng ina sa aking pandinig ang paghaplos ng alon sa dalampasigan. Muling nagpaparaya ang bawat elemento ng kalikasan. Ang payapang hamog ay sinasaliwan ng hindi matatawarang himig ng karagatan. Napag-iisa ang mga magkakaagapay na alon ng isang likas na ritmo.


Iisa ang narinig ko sa paghampas ng tubig sa lupa, at naisasantabi ang hangganan ng bawat isa. Hindi ko rin makakaligtaan ang mapanghalinang awra ng mga tao. Isang musikang walang pagpapanggap. At, sa paggulong ng tinta sa papel, patuloy ko pa ring nararamdaman ang pang-aakit ng hanging tumatagagos sa balat. Ang aroma ng ihawan mula sa nagbabagang uling ang mas lalong nagpapatingakad ng kaibhan nito sa ibang lupaing nasasakdal ng pang-aalipin.


Kumilos akong sandali upang labanan ang paghamak ng dilim sa akin.

Sa puntong ito, nabatid kong hindi nga nakapagtatakang dinarayo ito ng turista.

Hindi rin naman nakapagtataka kung bakit ganoon na lamang ang paghanga ng mga tao sa lipunang bilanggo ng kalunsuran.


Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Wednesday, October 15, 2008

Professor X

Ang pagbabalita gamit ang teleprompter (news casting) ay sampung porsyento lamang ng layuning maghatid ng impormasyon sa publiko. Kapag sinabi nating responsableng pamamahayag, ito ay nakaangkla sa etika ng nabanggit na propesyon. Gayundin, ay sumasaklaw sa parehong mabubuti at masasamang mga balita. May karapatan ang publikong malaman ang nangyayari sa loob at labas ng lipunan. At ang tungkuling ito ay nakaatang sa lahat ng uri ng midya at iba pang kaugnay na behikulo ng impormasyon.

May mga balitang hindi saklaw ng sosyal at pulitikal na mundo katulad ng nakikita natin sa telebisyon. Karaniwang tanawin ang mga tunggalian sa pagitan ng mga pulis at manininda. Gayundin, ang huling balita sa Senado at Mababang Kapulungan – ika nga ang mga top stories of the day. Ang mga human interest stories ay mapapansing naisasantabi at halos walang lugar sa mga formal newscasts. Ang mga ito hindi man bumubuo sa konkretong balita ay singhalaga ng mga pangunahing balita/ ulo ng mga balita sapagkat ang mga ito ay mula mismo sa kuwento ng bawat tao. Hindi dapat mawalan ng puwang ang mga ganitong klase ng istorya sa daigdig ng pamamahayag, dahil kung gayon, hindi nito tuluyang naisasakatuparan ang malawakang at mala-alamat na layunin nito.

Sa kabilang banda, hindi dapat maging sensationalized ang mga isyu. Ibalita ito nang tama, wasto, at ang tanging pagkiling ay sa katotohanan lamang. Bagaman may lugar ang mga komentaryo sa himpapawid, ibang genre na ito at hindi na sakop ng isang news program o newscast sa telebsiyon man o sa radyo. Hindi rin nararapat magkaroon ng pabor sa midya ang mga pulitiko sa anumang paraan -- envelopmental journalism. Ang pagsuko sa ganitong uri ng represyon at panunupil sa larangang ito ay isang pagtataksil sa publikong pinagsisilbihan ng mga mamamahayag. Hindi dapat supilin ang larangang ito. Hindi rin naman dapat abusuhin.

Tulad ng sinabi ni Professor X kay Jean Grey sa paggamit ng kanyang pambihirang kapangyarihan,

"Either the power will control you,
or you will control the power..."


At sa ating pagkontrol, hindi ibig sabihin na tayo na rin ang gagawa ng dahilan upang isuplong ang kapangyarihang ito sa dimensyong mapanganib na sa sangkatauhan.

Ganito kakapangyarihan ang larangan ng pamamahayag.
Inform not to deform. Express not to impress.

Saturday, October 11, 2008

Jeopardy

Kung may isang bagay na hindi mo dapat kaligtaan saan ka man dalin ng ‘iyong mga paa.
Kung may isang bagay na minsan mo nang sinabing hindi ka mabubuhay ‘pag wala ito.
Kung may isang bagay na nais mong palitan sa syota mo maliban sa apelyido niya.
Kung may isang bagay na sana non-detachable, ano kaya ito?


“Mapanga, maraming kanto sa mukha, sa sobrang dami ng kanto sa mukha mo, kulang na lang ang tambay.”, ganito na lamang ang panunuya ni Lolo Putol sa isang dalagitang apo na walang tigil sa katetext. Walang tigil sa kapipindot sa pudpod na keypad ng cellphone. Marahil ito na nga ang bagay na hindi makakaligtaan ng apo saan man pumunta. Isang malabong paghihiwalay ng nais at pangangailangan.

Pero, si Lolo Putol na makikita na ang kulubot sa noo at katawan, may isang bagay na hindi niya pwedeng makalimutan. Hindi ang pustiso niyang nakalublob sa kalahating baso ng tubig. Hindi ang antipara para sa malabong paningin. Hindi ang maglagay ng pamada para swabe ang dating. Kundi ang karugtong ng kanyang dalawang paa na gawa sa pinagsama-sama at tinunaw na tin cans. Bitbit niya kahit saan pati sa pagtitinda ng dust pan sa bangketa.

Bilyar

Walong bola ng bilyar pa ang natitirang nakakalat sa kulay luntiang mesa. Isama mo ang puting bola na siyang bubuo sa siyam. Naipasok na niya ang isa.

Ang isa, may angas ang kada tira. Tila sa bawat pagpitik ng tako, pihadong pihadong pasok ang mga tira. Para bang sa bawat banda ng pamatong bola, tiyak na may kalalagyan ang kanyang birada. Tila nakabisado na ang kapal ng tisa na dapat ikuskos sa tuktok ng pantira. Tila kabisado na ang istilo sa pagbanda ng isang bolang hahagip sa isa pa.

Ang isa, mitikuloso – sinisigurong ang lahat ng tira ay papatos ng numero. Sinisilip ang bawat anggulo. Tinatantiya ang madulas na paggulong ng bola, na siyang sasalpok sa tinutumbok niyang numero. Tila bang ang kada tira ay may kaakibat na kung anong uri ng (equation) tumbasan. Minsa’y gumagamit ng tirerit, isang giya para sa panalong anggulo.

Sino ba ang lamang sa dalawa?

Kung ang buhay ay maihahambing sa isang bagay. Isa sa napakaraming posibleng hambingan ay ang larong bilyar.

Minsan kailangan natin ng lakas ng loob upang harapin ang hamong kinakaharap natin. Iba pa ang reverse psychology sa kalaban. Ika nga, take the risks, take the consequences. Minsan naman, aminin man natin o hindi, kailangan pa rin natin ng mga giya o gabay (magulang, kaibigan, guro, nakatatanda, atbp.) na siyang tutulong sa atin -- sa pagpapaunlad ng ating mga sarili o kaya naman, pagbangon muli mula sa masaklap na pagkakadapa.

Sa dalawang bagay na ito, may isang tiyak na dibuho ang mahihinuha mo. Ang buhay ay parang bilyar, kailangan ng istratehiya, kailangan ng taktika. Kung minsan, maaring sinusuwerte ka, hindi rin naman maiiwasan ang pag-asa mo sa tsamba.

Ang buhay ay parang bilyar, hindi uubra kung tira lang ng tira – nilalakipan din ng utak, ng kakayahan, ng pagsisikap, ng praktika. Ang buhay ay parang bilyar, nararapat nating malaman ang hangganan ng bisyo at libangan.

Tuesday, October 07, 2008

Teargas and Handcuffs

Consistently, journalism and press freedom have been found to be essential to the Philippine democratic system. That freedom involves not only media professionals, but also the public served by the media. In all cases, the Filipino people exclusively rely on them, through news coverage, reports, live feeds and any other means of communication.

The suppression of the freedom of the press can be relentlessly visualized as a direct betrayal of the state to people's will to democracy. Today, Filipino journalists are being concealed for either reporting or criticizing various interests that depict the current unstable government. It should be learned that the administration of President Gloria M. Arroyo maintained its stand condemning any illegal actions against journalists, but apparently, what had transpired at The Peninsula clearly showed the other side of its ironic advocacy.

The Manila Peninsula Siege served more than a testimony.


TEAR GAS AND HANDCUFFS
Written by Yfur Porsche P. Fernandez
Power of the Strings: Ma. Lina Eguico

A quick call from my boss,
No if’s, no but’s, not time to pause
Forget everything except the pen
Run the wheels and join the lion’s den

A national affair has set the flame
Calling for media to play the game
Mr. Senator has just proclaimed
It’s everyone’s ballgame, who’s to blame?

I was there to broadcast to break the newscast,
To deliver the newsbit, from its start to last
Mr. Policeman mandates us to leave
But you can never arrest us for not leaving!

I was about to state the report,
Minding police and media’s rapport
But it warped out as a glaring oppression
Depriving my duty that leads to confiscation

It delayed the people’s consciousness
When you considered us suspects, not just witnesses
Holding us for hours in Bicutan,
Was that a trap or a defined plan?

You’ve killed the lives of the million, when you decided to loosen the pin
You’ve killed the will of the people, to advance tyrannical gains
Suppressing the public’s vehicle, the only way to know
Killing the will to democracy with tear gas and handcuffs to a foe

A quick call from my boss turns into a call of journalism profession
A call of my humble profession turns into a noble call of the nation
A call of my humble profession turns into a torrent cry to public information!
(Turns into a call of the nation)

_________________
*For Development Studies 121: The Study of Philippine Underdevelopment
Dr. Edberto Villegas. Counter-culture songs. Social Issues.

Friday, October 03, 2008

Medical Tourism sa Luneta?


The Blind Band Music Massage
Medico Turismo

Kilometer Zero

Minsan kung sino pa ang taga-Maynila, sila pa ang hindi nakakaalam o di naman kaya ay walang pakialam sa kasaysayan nito -- maging ang mga mahahalagang tagpo at pangayayaring naganap dito. Hindi pa huli ang lahat upang masilayang muli ang kabuluhan ng mga monumentong nakikita mo sa kahabaan ng UN, Orosa at ng Luneta. Hindi natin nakikita ang mga rebultong ito nang walang dahilan. Bukod sa Japanese at Chinese Garden, marami pang dapat alamin sa Luneta.


Marahil ang alam lang ng iba ay, si Jose Rizal ang pigurang iyon. May hawak na libro, kasama ang ilang pang lilok na ipinapakita ang volunteerism at social responsibility. Alamin!


Hindi masyadong pansin ngunit nakita ko ang ilang bahagi ng katha ni Rizal sa kahabaan ng flower pots patungo sa mismong rebulto nito. Katapat ng matataas na flag pole ay ang dalawang sundalong nakahimpil nang higit sa anim na oras, binabantayan ang imahe ni Rizal. Marahil lingid sa kaalaman ng lahat, triumvirate ang tawag sa ganitong disenyo ng monumento. Hindi sa triumvirate na ito ang aktwal na lugar kung saan binaril si Rizal, ito ay makikita sa bandang kanluran kung nasa harapan mo ang monumento ni Rizal. Ang tawag sa lugar na iyon ay, "The Martyrdom of Dr. Jose Rizal” (Ang Pagkabayani ni Rizal). Sa partikular na lugar na iyon ng Luneta, makikita ang tagpong nakikita mo lamang sa pelikula. Mura lamang ang entrance fee. Sa pagkakataong nasilip mo iyon, tila isa ka sa mga taong nang-usisa at nakasaksi kung paano barilin ng mga sundalo si Rizal. Sa kinalalagyan ni Rizal nakaukit sa tableta ang mga pariralang nagsasaad na doon bumagsak ang katawan ng pambansang bayani.


Sa hindi kalayuan, makikita ang Centennial Clock na pinasinayaan sa panahon ni Pangulong Estrada. Ito ay isang pagbibigay pugay sa mga mason noong panahon ng pananakop. Sa dalawang gilid, makikita naman ang dalawang kalabaw na siyang simbolo ng kasipagan at pagiging matiyaga. Ilang lakad pa ay matatanaw naman ang sinasabing rice plantation. At sa dulo nito, makikita ang pook-dasalan ng mga miyembro ng El Shaddai. Gaygayin naman ng ilang metro pabalalik, matatagpuan ang Kanlungan ng Sining kung saan tampok ang ilang imahe sa lipunan sa pinakamasisining na paraan. Hindi magtatagal at makikita na ang kapuluan ng Pilipinas na tila nakalutang sa katubigan. Ang landscape na ito ay tanaw ng mga mananakay ng LRT. Ang kapuluang ito ay susundan naman ng mga nililok na mukha ng ilang natatanging bayani ng Pilipinas na nakapalibot sa kabuuan – Diego Silang, Lapu-lapu (na may sariling rebulto na rin), Apolinario Mabini at marami pang iba. Bago marating ang kanto ng Pedro Gil, makikita ang Orchidarium kung saan pinalalago at pinananatili ang iba’t ibang uri ng orchids na matatagpuan sa buong Pilipinas. Samantala isang dyip naman gamit ang rutang tinatawag na Round Table, mararating naman ang Walls of Intramurosna isa ring lunduyan ng kasaysayan. Sa rutang ito, maaring matunton ang Pambansang Museo, Pambansang Aklatan at Planetarium.



Sa mga kapwa ko mag-aaral, hindi lamang ng Pamantasan ng Pilipinas, sana ay hindi lamang sa

Robinson’s o sa kahit anu pa mang lugar aliwan ang punta natin kapag may sobrang oras. Gawin nating kawiliwili ang mga oras na ito sa paggalugad sa mga lugar pasyalan at iba pang makasaysayang pook katulad ng Luneta. Basahin ang mga iskriptura sa mga tableta at alamin kung saan nagsimula ang lahat. Huwag lang puro GBox, Food Court o Time Zone ang atupagin, bahagi ng ating pananagutan na pandayin ang ating kaalaman sa mga bagay na ito, hindi na lamang bilang mga estudayante, kundi bilang mga Pilipino.

__________________

Ang Kilometer Zero ang siyang base point kung gaano kalayo ang isang lugar sa Maynila. Ito ay matatagpuan isang tawid mula sa monumeto ni Rizal.